Now Playing Tracks

Coffee Break 2

humihigop ng kape kasama ng kaibigang matagal ko ng di nakita. andami ng nagbago. mas masipag na siya mag-aral sa harap ko at mas lalo atang dumaldal ako. imbalance. di ako makakwento dahil busy siya mag-aral. at di siya makapag-aral dahil daldal ako ng daldal.

awkward na. di kami ganito. :-(

kumuha siya ng isang yosi mula sa paketeng hawak ko
sinindihan at hinithit ang unang usok pa-deretso ng baga nya
nagkwento siya at ramdam ko ang lungkot
habang humihigop ako ng kape, naisip ko at sinarili na lang
‘bat di na lang ako. ako na lang sana.’

"All the little things I left unsaid, I was drowning in them.

Love isn’t about ridiculous little words… Love is about finding courage inside of you that you didn’t even know it was there.”

Gabe. Little Manhattan

Coffee Break Nostalgia

umiinom at nakatambay sa mismong lugar na iniwan mo ako tatlong taon na ang nakalipas.

sa malayo, tanaw ko mula sa kinauupuan ko ngayon yung direksyon ng tinakbo ko habang umiiyak at pawisang hinahanap ang daan palabas ng EDSA.

ngayon, eksaktong tatlong taon, tangan tangan ang kapeng nilamig at libro ni Ricky Lee, naalala kita. hindi dahil sa pananabik o pagnanasang makasama ulit kita. inaalala na lang ang araw kung paano pinagsukluban ng langit ang paraisong binuo nating dalawa.

may halong pagkasuklam at awa na lang ang nararamdaman ko. nasusuklam sa nasayang na panahon na pinaasa ko ang sarili ko. at naaawa sa lalaking di natupad ang buhay na pinangarap na kasama ka.

ngayon, dahil nailabas ko na ang lungkot sa puso ko, katulad ng paglabas ng lahat ng kasamaan at pighati sa mundo sa pagbubukas ng Pandora’s box, may lumabas na kalapating simbolo ng pag-asa. oo, matapos ang lecheng three bitter years, bukas na akong magmahal ng totoo. sa ibang tao na. di na ako aasang sa iyo. handa na ako. kumukurot man paminsan minsan pero bearable na. kayang kaya ko na ngumiti ng di peke. kaya ko ng pagmasdan ang buwan ng di iniisip kung nakikita mo din ba ang parehong tanaw ko. kinakanta ko na si Jason Mraz at Beyonce ng di ka naiisip.

nakakapagal din ang umasa. yun nga lang, umabot ako ng ganito katagal bago lubusang hiningal. tibay e.

paubos na ang kape ko. tatayo akong gising ang diwa at bukas na sa katangahan ko. kasabay nito’y ang pagbitaw ko sa posibilidad na buhayin ang dating ‘tayo’.

‘power to the tiger, the birds and the bees’ no more.

We make Tumblr themes